National News
Omicron subvariant BA.4, natukoy sa Pilipinas
Kinumpirma ng Department Of Health (DOH) na nakapasok ang Omicron Subvariant BA.4 sa bansa.
Natukoy ng DOH sa isang Pinoy na mula sa Middle East nitong buwan ng Mayo.
Dumating ang nasabing indibidwal nitong ika-4 ng Mayo at ito ay nagpositibo sa subvariant mula sa specimen na nakuha nitong ika-8 ng Mayo.
Ayon sa DOH, ang nasabing lalaki ay asymptomatic.
Ayon sa European Centre for Disease Prevention and Control, ang Omicron BA.4 ay isang variant of concern na maaaring mabilis makahawa o maging dahilan ng malubhang karamdaman.
Kaya naman, nagpaalala ang DOH na maaaring magdulot nang pagtaas ng kaso ang subvariant na ito.
Payo ng DOH, magpabakuna na at patuloy na sumunod sa minimum health standards.
