Connect with us

Online child exploitation sa Pinas, nananatiling mataas– CWC

Online child exploitation sa Pinas, nananatiling mataas– CWC

National News

Online child exploitation sa Pinas, nananatiling mataas– CWC

Sa pagtaas ng paggamit ng internet, patuloy na lumalala ang problema ng online exploitation sa mga bata sa bansa.

Ayon sa mga ulat, maraming bata ang nagiging biktima ng online sexual abuse sa pamamagitan ng social media at iba’t ibang online platforms.

Sa datos nga ng Council for the Welfare of Children (CWC) noong 2023, umabot na sa 2.7M ang naitalang kaso ng online child exploitation sa Pilipinas.

Aminado si CWC Executive Director Usec. Angelo Tapales, talamak na ang ganitong uri ng iligal na aktibidad sa bansa kung saan isang hamon para sa pamahalaan ang pagsugpo nito.

Aniya, higit 80% ng mga biktima ng online sexual exploitation ay mga batang babae.

Ang malala pa, mismong magulang o di kaya’y kamag-anak ng mga batang biktima ang nag-aalok o nagbebenta sa kanila online.

Samantala, bukod pa sa pagbebenta ng mga larawan at video ng mga bata online, patuloy din ang operasyon ng pamahalaan laban naman sa mga nagbebenta ng sanggol online.

Ilang mga magulang na nga ang sinampolan ng National Authority for Child Care (NACC) na kinasuhan at ngayon ay nakakulong.

Una na ring nakipag-ugnayan ang NACC sa Facebook management upang ipagbawal ang pages sa kanilang platform na nag-aalok ng bata.

Nasa siyam na Facebook pages na may libu-libong miyembro ang binabantayan ngayon ng ahensya.

Kabilang na rito ang Legal Child Adoption PH, Bahay Ampunan Group, Child Adoption Center of the Philippines at marami pang iba.

More in National News

Latest News

To Top