National News
Online sellers, ipapa-takedown kung ‘di magbabayad ng tax
Makatatanggap ng takedown orders ang online sellers na bigong makapagparehistro at magbayad ng withholding tax ng kanilang mga negosyo.
Hakbang ito ng Bureau of Internal Revenue (BIR) upang maging patas ang physical at online stores hinggil sa pagbabayad ng buwis.
Kasabay nito ay ipinangako na rin nila na imo-monitor ang lahat na digital platforms gaya ng Lazada, Shopee at Tiktok kung sumusunod ang online sellers at content creators sa BIR registration.
Noong Hulyo ay pinagbabayad na ng withholding tax ang online platform providers.