Connect with us

Online services ng buong PNP, hindi muna magagamit

Online services ng buong PNP, hindi muna magagamit

National News

Online services ng buong PNP, hindi muna magagamit

Sa opisyal na pahayag ng Philippine National Police – Information and Technology Management Services (PNP-ITMS), pansamantala muna nilang itinigil ang operasyon ng lahat ng online services nito sa buong bansa.

Bagama’t mahirap anila, inaasahang mauunawaan sila ng publiko dahil sa nangyari na malawakang data breach sa kanilang hanay.

Paliwanag ng PNP, bahagi ito ng kanilang pagpapaigting sa seguridad ng kanilang mga sistema para hindi na maulit na makompromiso ang mga mahahalagang impormasyong hawak nito.

Pero mananatili pa rin namang bukas ang frontline services ng PNP mula sa regional offices nito hanggang sa mga tanggapan sa Kampo Krame.

“Sa ngayon ang term sinasabi nila centralized stand alone muna ‘yung mga systems natin at hindi naman maantala ‘yung delivery ng public service through our frontline services,” ayon kay Chief, PNP-PIO, Col. Jean Fajardo.

Kailangan nga lang ng tiyaga na magtungo sa mga tanggapan ng PNP para magproseso ng mga papeles at iba pang transaksyon habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa pangunguna ng Anti-Cybercrime Group (ACG) nito para mapigilang targetin ang iba pang sistema ng PNP.

“One of the primary reason kung bakit natin shinutdown lahat ng PNP online services is again this is the precautionary measures to make sure kung totoo man at kung may talagang reported breach at sa ngayon ay hindi pa natin madetermine ang extent ng sinasabing breach ay it would be prudent on the part of the PNP to really shutdown all frontline services to make sure na hindi na rin ito matatarget ng ibang attempt to breach or hack ‘yung ating mga ating systems but hopefully ang ating ACG and ITMS would fast-track ‘yung ongoing assessment and investigation,” dagdag pa nito.

Sa ngayon, batay sa kanilang intelligence expert, lumabas na ph1ns ang nasa likod ng data breach na ito kasabay ng kanilang pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensiya kung ang nabanggit na hacker ay siya ring nasa likod ng malalaking data breach sa mga tanggapan ng pamahalaan nitong mga nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan.

“We are also trying to validate through the help of DICT kung itong threat actor na nasabi natin is also responsible doon sa other attempt to breach na data system ng ibang government agencies katulad ng DOST, DepEd and other agencies which were reported to also been victimized by this threat actor,” ani Fajardo.

Umaasa naman ang PNP na magiging mabilis ang kanilang pagresolba sa kaso gayong nakasalalay rito ang malalaking impormasyon ng kanilang organisasyon.

“Hopefully ang ating ACG and ITMS would fast-track ‘yung ongoing assessment and investigation,” aniya.

More in National News

Latest News

To Top