National News
Operasyon laban sa CPP-NPA-NDF, suportado ng defense department ng bansa
Pinawi mismo ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang pangamba ng publiko kaugnay sa sinasabing pagbabalik ng peace negotiation sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front (NDF).
Sa panayam ng media sa kalihim, kinumpirma nito na wala pang gumugulong na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Teodoro, tanging exploratory talks pa lamang ang nangyayari sa magkabilang panig.
Dahil dito, magpapatuloy ang law enforcement operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa CPP-NPA-NDF.
Giit ng kalihim, patuloy na tutugisin ng tropa ng gobyerno ang mga armadong grupo na banta sa katahimikan at seguridad ng bansa.
Nabatid na planong tapusin ng militar ang communist armed conflict ngayong taon.
Nauna na ring inanunsyo ni National Security Adviser (NSA) Secretary Eduardo Año na hindi niya irerekomenda ang Suspension of Military Operations (SOMO) sa CPP-NPA-NDF ngayong kapaskuhan.