Connect with us

Operasyon ng ATM system sa NAIA, balik normal na − CAAP

Operasyon ng ATM system sa NAIA, balik-normal na − CAAP

National News

Operasyon ng ATM system sa NAIA, balik normal na − CAAP

Umabot sa 38 domestic flights at 21 international flights ang naantala habang 3 flights mula Manila ang kinansela nitong lunes dahil nagkaroon ng problema ang computer software ng Air Traffic Management (ATM) system sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na umabot sa halos 3 oras.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio, ”Actually ang ATMC fuctional kahapon, ngayon ang nangyari ito yong buong FIR natin Flight Information Region, nandito tayo ngayon sa Manila ang isyu ngayon yung papasok dito lahat yan mula riyan, dito, kinakailangan ma-accomodate natin kaya nahinto ang flight palabas.”

Pansamantala munang pinahinto ang mga papaalis na eroplano.

Paliwanag din ni Apolonio na ang Communication Navigation And Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) ay nagsimula pa noong 2010 at natapos noong 2017.

Ibig sabihin hindi na updated ang mga program sa panahon na nabanggit.

Sa ngayon aniya, dahan-dahan na ina-update na ang naturang program habang naibalik na rin ang original service provider nito.

Umaasa ang CAAP na sa 3rd quarter ng taong kasalukuyang ay matatapos na ito at hindi na muling mangyayari ang computer glitch kapag upgraded na ang lahat ng air traffic system.

Humihingi naman ng paumanhin ang CAAP dahil sa libu-libong pasahero ang naapektuhan sa technical issue.

“Well sa nangyaring computer glitch na yon,humihingi kami uli ng paumanhin ,dahil hindi naman natin inaasahan ang mga ganitong pagkakataon, kaya lang sa caap importante sa amin yaong mga safety ng mga pasahero sa mga bumababang eroplano sa NAIA.”

More in National News

Latest News

To Top