Metro News
Operasyon ng Grab Philippines, suspendido na
Sinuspinde na ng Grab Philippines ang lahat ng kanilang serbisyo sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine ng gobyerno sa Luzon upang mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa Facebook post ni Head Ph Brian Cu, sinabi nito na simula ngayong araw ay hindi na gumagana ang kanilang Grabcar, Grabtrike, Grabfood, Grabexpress, at iba pang services.
Sinabi rin ni Cu na nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad kaugnay sa public health situation at kung paano sila makakatulong sa kanilang driver’s community.
Una nang sinuspinde ng Grab ang kanilang Grab Share Services bilang suporta sa “social distancing” na ipinatutupad ng gobyerno.
Simula 12:00 ng hatinggabi ngayong araw ay ipinatupad na ng DOTR ang suspensyon sa lahat ng operasyon ng pampublikong sasakyan bilang pagtalima sa ipinatutupad na quarantine.