Connect with us

Operasyon ng Pasig River Ferry Service, apektado dahil sa sobrang kapal ng basura sa ilog Pasig

Operasyon ng Pasig River Ferry Service, apektado dahil sa sobrang kapal ng basura sa ilog Pasig

Metro News

Operasyon ng Pasig River Ferry Service, apektado dahil sa sobrang kapal ng basura sa ilog Pasig

Sa mga larawang ito na ibinahagi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), halos hindi na makita ang tubig sa bahaging ito ng ilog Pasig.

May be an image of crowd and text that says 'MMDA'

Natabunan na kasi ‘yan ng samu’t saring basura na palutang-lutang sa ilog.

At dahil sa sobrang kapal nga ng mga basurang iyan, natigil ang operasyon ng Pasig River Ferry Service sa mga istasyon mula PUP hanggang Escolta.

“Hindi makadaan ang bangka kasi pumupunta sa ano, hindi muna makita ang tubig eh. Nag-ooverheat ‘yung ano kasi tinatamaan ng elisi, hindi siya makaikot freely. ‘Yung iba bumubuhol,” ayon kay Acting Chairman, MMDA, Atty. Romando Artes.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Romando Artes, gamit ang 3 trash skimmer, umabot ng 2 oras ang paglilinis sa ilog na may sangkatutak na basura.

Punto ni Artes, kahit tuloy-tuloy ang paglilinis sa Pasig River pero kung hindi naman magbabago ang mindset ng mga tao ay hindi pa rin matatapos ang problema sa basura sa naturang ilog.

Panawagan ng ahensya sa publiko, maging responsable naman sana sa pagtatapon ng basura dahil iyan din ang numerong unong dahilan ng mga pagbaha sa Kalakhang Maynila.

“Kahit anong trash trap mo diyan, kahit anong paglilinis mo ng estero, kung araw araw din naman nagtatapon ng basura ‘yung ating mga kababayan, walang tigil iyan eh. Ikot lang tayo, linis kami tapon sila. linis kami, tapos sila. So never-ending cycle iyan. Talagang kailangan magkaroon ng pagbabago sa mindset ng mga kababayan,” dagdag pa nito.

Sa ngayon, puspusan na ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila para sa papalapit na La Niña.

More in Metro News

Latest News

To Top