Connect with us

Operasyon ng PNR, ititigil mula ngayong taon

Operasyon ng PNR, ititigil mula ngayong taon

National News

Operasyon ng PNR, ititigil mula ngayong taon

Kinumpirma ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez na ititigil simula ngayong taon ang operasyon ng Philippine National Railways (PNR).

Ang dahilan ayon kay Chavez ay hinggil sa ‘safety and expenditure concerns.’

Posible namang magsimula ngayong summer season ang stop operations ng PNR na maaaring tumagal ng 5 taon.

Dahil sa hakbang, inaasahan ng Department of Transportation (DOTr) na bibilis na ang konstruksyon ng North-South Commuter Railway na nababalam dahil sa operasyon ng PNR.

Makikipag-ugnayan na ang DOTr sa LTFRB para tulungan ang nasa 20,000-25,000 arawang pasahero ng PNR.

“Sabi ho ng pag-aaral ng ating mga consultant we (can) save P15 billion by stopping the operation of PNR para nang sa gayun imbes na marami kang utilities na ire-relocate, dun ka na mismo sa sentro ng linya ng PNR gumawa ng riles,” ani Usec. Chavez.

More in National News

Latest News

To Top