National News
Operasyon sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, patuloy pa rin
Patuloy parin ang operasyon ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.
Ito ang ginawang paglilinaw ni Dr. Ted Martin na Officer In Charge Director ng nasabing ospital kasunod ng ulat na pagsasara nito.
Ayon kay Martin, tanging ang kanilang emergency room lamang ang pansamantalang isinara matapos na magpositibo sa ang walong staff nito.
Layon aniya ng temporary closure na i-disinfect ang ER para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga pasyente at maging ng kanilang mga staff.
Tatagal naman ang naturang pagsasara hanggang alas-siyete ng umaga sa mayo a-singko.
Sa ngayon, nananatiling asymptomatic ang apat na duktor, dalawang nurse, isang medical technologist at isang radiology technologist na positibo sa naturang sakit.