National News
Opisyal ng PNP, pinarangalan sa maayos na seguridad sa FIFA Basketball World Cup sa bansa
Pinarangalan ang 1 opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang ipinakitang galing at dedikasyon sa pagpapanatili ng kaayusan at maayos na seguridad sa ginanap na FIBA Basketball World Cup.
Ginawa ang pagbibigay ng parangal kasabay ng National Peace Consciousness Month sa Camp Crame sa pangunguna ni OPAPRU Secretary Carlito Galvez, Jr.
Iginawad ang Medalya ng Pambihirang Paglilingkod kay Police Regional Office (PRO) 3 Regional Director Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr.
Ayon kay Galvez, naipakita sa buong mundo ang kakayahan ng Pilipinas na magdaos ng world-class sporting event.
Samantala, ibinigay naman ang Medalya ng Kadakilaan kay Police Corporal Abdurafiq Akalun ng PRO Bangsamoro Autonomous Region dahil sa pag-aalay ng kanyang buhay sa isang ambush sa Basilan nitong Agosto.
