Connect with us

Opsyon na mag-lockdown, hindi ipinakokonsidera ng isang mambabatas

Opsyon na mag-lockdown, hindi ipinakokonsidera ng isang mambabatas

National News

Opsyon na mag-lockdown, hindi ipinakokonsidera ng isang mambabatas

Dapat nang alisin ang pagsasailalim sa bansa sa lockdown bilang opsyon para maresolba ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ito ang iginiit ni Ang Probinsyano Party-List Rep. Ronnie Ong.

No photo description available.

Ronnie Ong, representative of Ang Probinsyano Party List

Ani Ong, mas magandang tutukan ng pamahalaan ang pagsasagawa ng mass testing at contact tracing para hindi maapektuhan ang ekonomiya ng bansa.

Maganda rin aniyang magbigay ng libreng antigen at RT-PCR tests para maihiwalay ang mga may COVID sa mga COVID-free nang walang masasagasaang buhay o trabaho.

Binigyang-diin ni Ong na ang pagkakaroon ng panibagong lockdown ay makakasira lang sa momentum ng micro, small at medium enterprises (MSMEs) sa bansa.

Magugunitang 99.5% ng mga negosyo sa bansa ay binubuo ng MSMEs at nasa 62% ng mga Pilipino ang bumubuo sa total labor force ng bansa.

Ayon kay Rep. Ong, hindi pa makakagastos ang pamahalaan dito ng pera para sa pamamahagi ng ayuda.

More in National News

Latest News

To Top