Connect with us

Oral arguments sa paglilipat ng PhilHealth fund, itinakda sa 2025

Leptospirosis at dengue, covered ng PhilHealth

National News

Oral arguments sa paglilipat ng PhilHealth fund, itinakda sa 2025

Itinakda ng Korte Suprema sa Enero 14, 2025 ang oral arguments hinggil sa paglilipat ng pondo ng PhilHealth sa National Treasury.

Mapapansin na ang ilan sa mga naghain ng petisyon laban sa paglilipat ng pondo na nagkakahalaga ng P89.9B ay si Sen. Koko Pimentel at ang Philippine Medical Association.

Ngunit sa kabila ng petisyon ay tuloy-tuloy parin ang fund transfer lalo na’t wala ring inilabas na restraining order ang korte.

Sa record, P20B ang nailipat noong buwan ng Mayo at P10B noong Agosto.

Inaasahan namang P30B ang ililipat ng PhilHealth sa National Treasury ngayong Oktubre at P29.9B sa Nobyembre.

More in National News

Latest News

To Top