Connect with us

Order of the National Scientist at Presidential Medal of Merit, iginawad ni PBBM sa mga Pilipinong may natatanging kontribusyon sa bansa

Order of the National Scientist at Presidential Medal of Merit, iginawad ni PBBM sa mga Pilipinong may natatanging kontribusyon sa bansa

National News

Order of the National Scientist at Presidential Medal of Merit, iginawad ni PBBM sa mga Pilipinong may natatanging kontribusyon sa bansa

Iginawad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Order of the National Scientist kay Dr. Carmencita Padilla at ang Presidential Medal of Merit kay DTI Assistant Secretary Allan Gepty.

Ginanap ito sa isang seremonya sa Palasyo ng Malacañang nitong ika-31 ng Agosto.

Ang Order of National Scientist ay iginawad alinsunod sa Presidential Decree (PD) 1003-A, na kumikilala sa mga natatanging Pilipino sa kanilang mga nagawa at makabuluhang kontribusyon sa larangan ng agham at teknolohiya.

Ngayong taon, pinarangalan si Dr. Padilla para sa kanyang mahalagang gawain sa larangan ng medisina at genetika, partikular sa newborn screening para sa mga genetic disorder sa Pilipinas.

Ayon sa National Academy of Science and Technology, ang kanyang mga pag-aaral at mga inisyatiba ay humantong sa pagbuo ng isang pambansang programa para sa newborn screening.

Layunin ng programang ito na maiwasan ang mental retardation at kamatayan mula sa ilang congenital disorder na madi-detect sa kapanganakan, na nagbigay ng batayan para sa pagsasabatas ng Republic Act (RA) 9288 o ang Newborn Screening Act of 2004.

Sa kabilang banda, ang Presidential Medal of Merit ay isa sa pinakamataas na parangal na ibinibigay ng pangulo sa mga indibidwal para sa kanilang natatanging kontribusyon sa nation-building at government service.

Si Asec. Gepty, na isang abogado at lingkod-bayan, ay kasalukuyang naglilingkod sa ilalim ng Industry Development and Trade Policy Group ng DTI.

Ang naturang opisina ay responsable para sa investment promotion sa mga aktibidad na kritikal sa trade and industry development program ng ahensya.

Pinuri si Gepty para sa kanyang trabaho sa negosasyon at pagpapatibay ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), na itinuturing na pinakamalaking trade bloc sa mundo.

Ang tagumpay na ito ay inaasahang magbubukas ng mga oportunidad sa mga Pilipino at mga kumpanya sa Pilipinas na mag-export ng kalakalan sa loob ng RCEP region.

More in National News

Latest News

To Top