National News
Otso Diretso, hinamon na magpadala ng kinatawan si Mayor Sara Duterte upang ilatag ang ground rules sa kanilang debate
Hinamon ngayon ng Otso Diretso Senatorial Slate si Mayor Sara Duterte- Carpio na makipagpulong sa kanila upang ilatag ang ground rules ng kanilang debate.
Reaksyon ito ng grupo matapos tumanggi ang kampo ni Mayor Sara makipagdebate sa opposition Slate kasabay ng pagsasabi na pangpalengke lamang ang naturang hamon.
Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, para matiyak na interasado ang grupo ng nakababatang Duterte na makipagdebate.
Iginiit naman ni Atty. Florin Hilbay na handa nilang harapin ang mga kandidato ng kabila sa kahit anong lugar at kahit anong isyu.
Sa tingin naman ng grupo ay mas maipapaliwanag nila ng mabuti ang mga isyu ng West Philippine Sea, pagdagsa ng illegal chinese workers sa bansa, kampanya kontra iligal na droga at ang mga isyu na bumabalot ngayon sa simbahang kalolika.
Nilinaw naman ng grupo na ang kamalayan ng publiko ang kanilang sadya sa hamon nilang debate at hindi pampa boost o pampadagdag sa kanilang campaign strategy.
MJ Mondejar
