Connect with us

Ouster plot laban sa House Speaker, pinabulanaan sa Kamara

Iminungkahi ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa Senate at House contingent ng Bicameral conference committee ng ₱4.5-T 2021 Proposed National Budget na isapubliko sa pamamagitan ng media ang mga pagbabagong gagawin sa panukalang pambansang pondo.

National News

Ouster plot laban sa House Speaker, pinabulanaan sa Kamara

Pinabulaanan ng ilang mambabatas na mayroong plano para patalsikin bilang lider ng Kamara si House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Cayetano na ginagamit ang issue ng ABS-CBN franchise para patalsikin siya bilang lider ng Kamara.

Ayon kay Cebu Rep. Raul del Mar, walang katotohanan ang naturang mga balita dahil nirerespeto nilang mga mambabatas ang term sharing agreement sa pagitan nina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Wala rin aniyang katototohanan na minamadali ng mga kongresista ang pag-upo ni Velasco bilang speaker.

Samantala, ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, maganda naman ang pamamalakad ni Cayetano kaya’t susundin lamang nila ang 15-21 na hatian sa speakership.

Dagdag pa nito, mismong si Pangulong Duterte ang naglatag ng naturang “formula”  kaya’t susundan lang din nila ang kumpas ng pangulo.

 

 

More in National News

Latest News

To Top