Connect with us

OVP, ‘di humiling ng confidential and intel funds – DBM

OVP, hindi humiling ng confidential and intel funds - DBM

National News

OVP, ‘di humiling ng confidential and intel funds – DBM

Nagbigay ng ilang detalye ang Department of Budget and Management (DBM) kaugnay ng panukalang 2025 National Expenditure Program (NEP) na nagkakahalaga ng 6.325 trillion pesos.

Sa Palace briefing nitong Huwebes, ibinahagi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na sa Office of the Vice President o OVP, may nakalaan na 2.037 billion pesos na kabuuang badyet ang tanggapan sa ilalim ng 2025 NEP.

Ani Pangandaman, “Ang total budget po niya for next year sa NEP po is P2.037 billion, P188.5 million is allocated f0r personal services, P1.79 billion for maintenance and other operating expenses and P56 million for capital outlay.”

Gayunpaman, pagdating sa confidential and intelligence funds (CIFs), sinabi ni Pangandaman na walang hininging badyet ang Office of the Vice President para rito.

“Sa CIF po, wala pong CIF ang Office of the Vice President. I think, hindi rin po siya nag-request ng CIF.”

Matatandaang sinabi ni VP Sara na hindi na igigiit ng kanyang opisina ang confidential fund dahil ito ay magdudulot lamang ng pagkakahati-hati o pagkakawatak-watak sa bansa.

Bilang bise presidente, may sinumpaan si VP Duterte sa mga Pilipino na pananatilihing mapayapa at matatag ang Pilipinas.

Nabatid na bumaba ng 16% ang kabuuang confidential and intel funds para sa susunod na taon.

More in National News

Latest News

To Top