Connect with us

OVP, hindi na hihilingin ang confidential funds; Pero pwedeng ibigay ng Senado – Sen. Tolentino

OVP, hindi na hihilingin ang confidential funds; Pero pwedeng ibigay ng Senado – Sen. Tolentino

National News

OVP, hindi na hihilingin ang confidential funds; Pero pwedeng ibigay ng Senado – Sen. Tolentino

Tinuldukan na ni Vice President Sara Duterte ang issue sa kontrobersyal na confidential fund na bumabalot sa proposed budget para sa taong 2024 ng Office of the Vice President (OVP).

Sa budget deliberation ng OVP sa Senado, araw ng Huwebes, ika-9 ng Nobyembre, ay binasa ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance, ang opisyal na katayuan ng bise presidente kaugnay sa confidential fund.

Sa dokumentong binasa ni Senador Sonny ay nakasaad na ayaw na itong hingin ni VP Sara dahil nagiging dahilan ito nang pagkawatak-watak. Dagdag din nito na bilang bise presidente ay kanyang sinumpaan na kanyang pananatilihing mapayapa at matibay ang bansa.

Sa kabila nito ay nilinaw naman ni Senador Francis Tolentino sa isang manifestation sa plenaryo sa Senado na bagama’t hindi na ito hihilingin ng pangalawang pangulo ay maaari pa rin itong ibigay ng Senado.

Ayon kay Tolentino, hindi nakadepende sa ahensya o opisina ng gobyerno ang kanilang matatanggap na budget. Paliwanag ni Senator Tol na batay sa konstitusyon ang panukalang budget na nanggaling sa Kamara ay maari pang amyendahan o baguhin ng Senado.

More in National News

Latest News

To Top