Connect with us

OVP, makikipagtulungan sa DOH at DSWD para sa stress debriefing ng mga batang apektado ng lindol

OVP, makikipagtulungan sa DOH at DSWD para sa stress debriefing ng mga batang apektado ng lindol

National News

OVP, makikipagtulungan sa DOH at DSWD para sa stress debriefing ng mga batang apektado ng lindol

Ipinaabot ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang pakikiramay sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao, Sabado ng gabi, ika-2 ng Disyembre.

Kasabay nito, pinatitiyak ni Vice President Duterte ang kaligtasan ng mga apektado ng lindol lalo na ang mga bata at matatanda.

Aniya, makikipagtulungan ang Office of the Vice President (OVP) sa Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa stress debriefing ng mga naapektuhan ng lindol.

“Mahalagang matiyak na ligtas kayo sa panganib at natutugunan ang iyong mga agarang pangangailangan, lalo na ang mga pangangailangan ng mga bata at matatanda. Makikipagtulungan din tayo sa DOH at DSWD sa stress debriefing para sa mga batang nakakaramdam ng takot o pagkabalisa dahil sa lindol,” ayon kay Vice President Sara Duterte.

Ipatutupad naman ang blended learning ani Vice President Duterte sa mga apektadong lugar hanggang sa matiyak na ligtas ang mga estudyante at kawani ng DepEd.

Nagpaalala naman ang pangalawang pangulo sa lahat ng mga principal at school head ng paaralan sa buong bansa sa Department Order 53 o ang pagsasagawa ng mandatory unannounced earthquake and fire drills sa mga paaralan.

Paliwanag ng opisyal na mahalagang masanay ang mga mag-aaral sa dapat gawin sa panahon ng lindol at iba pang trahedya at kalamidad.

“Sa pamamagitan ng paulit-ulit na drills, matututunan nila ang halaga ng presensya ng isip o pag-iwas sa gulat. Ang mga pagsasanay ay magliligtas sa kanila mula sa matinding epekto ng mga trahedya,” dagdag pa nito.

More in National News

Latest News

To Top