Regional
OVP, namahagi ng tulong sa health workers, rescuers sa Rizal
Namahagi ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) sa Morong, Rizal nitong Setyembre 2, 2024.
Benepisyaryo ng naturang tulong ang health workers sa Rizal Provincial Hospital at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Ito ay sa gitna ng paghagupit ng bagyong Enteng kung saan maraming mga kababayan ang apektado ng baha dulot ng malakas na ulan.
Kabilang sa ipinamahagi ng OVP sa mga nars at iba pang hospital staff ay hot meals, at bottled waters.
Inabutan din ng OVP ng tulong ang responders mula sa Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP) at Philippine Army (PA) na nasa Morong, Rizal.