Connect with us

OWWA, magbibigay ng livelihood program para sa mga displaced OFW

Aprubado na ng board of trustees ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang isang livelihood program para sa mga displaced OFW.

National News

OWWA, magbibigay ng livelihood program para sa mga displaced OFW

Aprubado na ng board of trustees ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang isang livelihood program para sa mga displaced Overseas Filipino Workers (OFW).

Sa naging panayam ng SMNI news kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, bukas na ang naturang programa at maari na silang tumanggap ng aplikasyon.

“Yung tinatawag na tulong-puso program. Basta mag-group lang atleast into 5. 80% of which should be OFWs at mayroon tayong grant. Grant ito – bigay na pang-capital nila sa negosyo, P150,000 hanggangt P1million,” ani Cacdac.

Ibinahagi pa ni Cacdac na nasa 270,000 na mga displaced workers na rin ang nakatanggap ng financial assistance mula sa DOLE.
Samantala, tuloy-tuloy naman aniya ang kanilang pagpapa-uwi sa mga Pinoy dito sa Pilipinas.

Dagdag pa nito, “ For today mayroon tayong inaasahan sa Middle East, sa Dubai at sa Saudi Arabia. At patuloy naman ito. Mga 2 o 3 times a week, nakakapagpauwi na yung tinatawag na special flights – special flight mula Middle East. Dahil hindi nga regular ngayon ang commercial flights.”
Sa ngayon ani Cacdac ay nasa 168,000 Overseas Filipino na ang nakauwi sa kani-kanilang mga probinsya.

More in National News

Latest News

To Top