Connect with us

Ozamiz VM Nova Princess Parojinog, makukulong habangbuhay hinggil sa kanyang drug case

Ozamiz VM Nova Princess Parojinog, makukulong habangbuhay hinggil sa kanyang drug case

National News

Ozamiz VM Nova Princess Parojinog, makukulong habangbuhay hinggil sa kanyang drug case

Hinatulang guilty ng Quezon City RTC Branch 228 si dating Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog para sa kanyang kasong illegal drug possession.

Sa inilabas na desisyon ng nabanggit na QC Court, habangbuhay na pagkakakulong ang ipinataw kay Parojinog at pinagbabayad rin ito ng multang nagkakahalaga ng kalahating milyong piso.

Matatandaang July 2017 nang ni-raid ang bahay ni Parojinog sa bisa ng Search Warrant No. 5425 at dito nakita ang nasa 677.6796 grams ng shabu, M16 rifle at ammunition.

Maliban sa kanya ay nasentensyahan na rin noong 2022 ang kanyang kapatid na lalaki ng 40 taon na pagkakakulong dahil rin sa illegal drug possession.

Kabilang ang dating Ozamiz vice mayor sa political family na inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga.

Ang kanyang ama, ina at 13 iba pa ay nasawi naman sa isang police raid noong 2017.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top