Connect with us

P15-M halaga ng smuggled luxury car, nasabat ng BOC sa Davao

15-M halaga ng smuggled luxury car, nasabat ng BOC sa Davao

Regional

P15-M halaga ng smuggled luxury car, nasabat ng BOC sa Davao

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Davao ang P15.3 million na halaga ng smuggled luxury car.

Noong September 1 ng itoy nadiskubre ng BOC kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 11, Seaport Interdiction Unit (SIU), at Davao City Police Office (DCPO). 

Nag-ugat ang pagkakatuklas sa smuggled luxury vehicle mula sa intelligence report na natanggap ng PNP-Sasa Police Station.

Ayon sa BOC, idineklara ang shipment bilang used automobile parts.

Nang mabuksan naman ang container, ang nasabing automobile parts ay ginamit lamang para itago ang isang unit ng puting Porsche 911 GT3 RS.

Base sa mga dokumento, dumating ang shipment mula Japan noong Agosto 31, 2022 at naka-consigned sa JJCTD Import and Export Trading Corp.

Nagnegatibo naman sa posibleng smuggling ng illegal na droga ang naturang sasakyan.

Naglabas rin ang BOC ng warrant of seizure and detention laban sa shipment dahil sa paglabag sa Section 1400 concerning Section 1113 ng R.A. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.

Continue Reading
You may also like...

More in Regional

Latest News

To Top