Connect with us

P15-M, tinatayang halaga ng danyos sa nasunog na commercial building sa Paco, Maynila

P15-M, tinatayang halaga ng danyos sa nasunog na commercial building sa Paco, Maynila

Metro News

P15-M, tinatayang halaga ng danyos sa nasunog na commercial building sa Paco, Maynila

Nasa 15-M ang tinatayang halaga ng danyos sa nangyaring sunog sa isang commercial building sa Paco, Maynila habang ang Philippine General Hospital (PGH), nakapagtala na naman ng panibagong fire incident.

Sumiklab ang sunog, alas 8 ng Sabado ng gabi, ika-20 ng Abril, na umabot pa sa ika-5 alarma at idineklarang fire out bandang ala-1 ng Linggo, Abril 21, ng madaling araw.

Si Nor Ayn, isa sa mga biktima ng sunog at vendor sa commercial building, ay naroon pa rin sa lugar hanggang ngayon.

Aniya, halos wala silang nasagip maliban sa iilang paninda nila gaya ng sapatos, sinturon at casing ng cellphones na baka hindi na rin nila maibenta pa.

Mabilis na nilamon ng apoy ang establisyemento

May naabutan naman kaming mangangalakal sa fire site.

Ayon kay Ramon, nakakita sila ng pagkakataong kumita mula sa mga gamit na puwede pang maibenta tulad ng bakal, tanso, basket at ipa.

Ayon kay Fire Senior Supt. Christine Culla ng Manila Fire, maaaring umabot sa P15-M ang halaga ng pinsala ng sunog.

Pati kasi ang kalapit nitong paaralan, nadamay din.

Ayon sa fire marshall, naipadala na sa main headquarters ang mga ebidensya sa sunog para matest at maberipika kung elektrikal nga ba ang pinagmulan ng trahedya.

“May tinitingnan sila sa electrical, nagpaayos daw ng linya ng kuryente, tininitingnan natin na anggulo ‘yun. Hindi naman na sinasara na ‘yun na talaga,” ayon kay Fire Marshall, Manila District, Fire Senior Supt. Christine Culla.

Maliban sa commercial building, maya maya pa ay ang Philippine General Hospital (PGC) naman ang nai-report na nasusunog bandang 11:16 Sabado ng gabi, Abril 20.

Ito na ang pangalawang fire incident sa PGH sa unang quarter ng taon.

Matatandaan na ang una ay noong Marso kung saan nangyari ang sunog sa audio visual room ng ospital.

Ayon sa BFP Manila, ang hallway naman ng ospital ang nasunog nitong nakaraang Sabado.

Pero kung ano ang pinagmulan ng sunog, iniimbestigahan pa ng mga awtoridad.

Ayon sa BFP Manila, nakapagtala na sila ng lagpas 200 fire incidents sa lungsod simula Enero – Marso.

Karaniwan daw’ng umaabot sa 5 insidente ng sunog ang nare-record nila kada araw.

Ayon kay Culla, mas mataas ang insidente ng sunog ngayon dahil mainit ang panahon.

Kung ikukumpara kasi noong nakaraang taon, nasa 20% ang itinaas ng fire incident sa lungsod.

Pero ayon dito, ang sunog ay maaaring maiwasan kahit pa mainit ang panahon kung may tamang pag-iingat lang daw ang publiko.

“Hindi natin pwedeng sabihin oh dahil mainit ang panahon. Mas madali lang talaga siya na kumalat kasi tuyong tuyo ang paligid. Mainit pa so added factor ‘yan. Pero ‘yung pagsisimulan ng sunog inaadress ‘yan. Naghihintay lang ng sunog ‘yan. Naghihintay lang ng apoy na siya ay mag-spark. Pag tayo ay nagbigay ng pagkakataon na mag-spark, magkakaroon talaga ng sunog,” saad pa ni Fire Senior Supt. Christine Culla.

Ang mga pangunahing dahilan daw ng fire incidents sa Maynila ay elektrikal, napabayaang niluluto at ‘di wastong pagtatapon ng nasindihang sigarilyo.

Kaya pakiusap ng BFP Manila, mag-ingat at maging responsable para iwas sunog sa gitna ng mainit na panahon

“Huwag pabayaaan ‘yung mga nakasaksak, wag basta-basta nagtatapon ng mga sigarilyo, ‘yun ang mga common causes na dapat maadress din, malaman ng mga tao, ay ito pala ‘yun, iwasan mo diba. Alam mo ng electrical e nagsasaksak ka pa ng octopus connection,” pahayag pa nito.

More in Metro News

Latest News

To Top