Connect with us

P1B para sa 2024 Marawi Siege Victims Compensation, inilabas na

P1B para sa 2024 Marawi Siege Victims Compensation, inilabas na

Regional

P1B para sa 2024 Marawi Siege Victims Compensation, inilabas na

Inapubrahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalagang P1B para sa Marawi Siege Victims Compensation ngayong 2024.

Ang SARO, na inapubrahan noong Setyembre 24 ay magmumula sa Fiscal Year 2024 General Appropriations Act.

Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, ang nasabing pondo ay magbibigay ng kompensasyon para sa 574 beneficiaries.

Saklaw ng kompensasyon ang mga claim para sa mga tuluyan at bahagyang nawasak na istraktura at para sa mga binawian ng buhay noong panahon ng labanan.

Nakabalangkas sa Section 41 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RA No. 11696 ang isang patas at mabisang proseso sa pagtukoy ng halaga ng kompensasyon.

Makatatanggap ng kabayaran ang mga kwalipikadong claimants base sa lawak ng pinsala sa kanila kasama ang residential, commercial, o personal na ari-arian.

Ang mamamahala sa distribusyon ng pondo ay ang Marawi Compensation Board na nalikha sa ilalim ng RA No. 11696.

Ang kompensasyon ay walang buwis.

Para sa mga nasawi sa labanan, bibigyan din ng kompensasyon ang kanilang mga pamilya.

Kung pumanaw na ang orihinal na may-ari ng ari-arian, puwedeng mag-claim ng kompensasyon ang mga ligal na tagapagmana sa pamamagitan ng pagsusumite ng kinakailangang dokumento.

More in Regional

Latest News

To Top