Connect with us

P2.5-B na pondo, kailangan ng NDA para mapataas ang local milk production

P2.5-B na pondo, kailangan ng NDA para mapataas ang local milk production

National News

P2.5-B na pondo, kailangan ng NDA para mapataas ang local milk production

Nais ng National Dairy Authority (NDA) na makapag-import ng nasa 5-K baka.

Hakbang ito para makamit ang local production na 80-M liters ng gatas sa taong 2028.

Mapapansing sa datos, 99% ng total consumption ng bansa ay imported.

Para makamit, kailangan lang anila ng pondo na aabot ng P2.5-B para sa pagtatayo ng laboratory facilities at para makapag-import ng naturang bilang ng mga baka.

Iyon nga lang, sinabi ni NDA Administrator-in-Charge Gavino Alfredo Benitez na nasa P420-M ang tanging aprubado ng Department of Budget and Management (DBM) para sa taong 2025.

Mas mababa ito sa P522-M na budget ng NDA ngayong taon.

More in National News

Latest News

To Top