National News
P2.56B, ilalaang pondo para sa MRT-3 rehab sa 2025
Magdaragdag ang pamahalaan ng P2.56B na pondo para sa MRT-3 rehabilitation program sa 2025.
Bukod pa ito sa P2.93B budget ngayong 2024 para sa pagsasaayos ng nasabing railway system.
Kasama sa popondohan ang nagpapatuloy na upgrading sa existing rolling stock ng MRT-3, rail tracks, signaling system, power supply system, overhead catenary system, communications system, at ang depot and station equipments.
Sa Fiscal Year 2025, ang P2B na pondo ay uutangin ng gobyerno habang ang natitirang P560M ay covered ng government counterpart funding.
Nitong 2023, lumagda sa isang P6.9B supplemental loan agreement ang Pilipinas sa Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa 2nd phase ng MRT-3 rehab.
Sa ngayon, nasa 357,000 na ang average daily ridership ng MRT-3 kumpara sa mahigit P273,000 mahigit na arawang pasahero noong 2022.