Connect with us

P2.8-B pondo, inilabas ng DBM para sa pagbili ng mga firetruck at emergency medical equipment sa buong bansa

P2.8-B pondo, inilabas ng DBM para sa pagbili ng mga firetruck at emergency medical equipment sa buong bansa

National News

P2.8-B pondo, inilabas ng DBM para sa pagbili ng mga firetruck at emergency medical equipment sa buong bansa

Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng kabuuang P2.880-B sa Department of the Interior and Local Government – Bureau of Fire Protection (DILG-BFP).

Layunin nitong suportahan ang patuloy na pagsisikap sa modernisasyon at palakasin ang mga kakayahan ng pamahalaan sa paglaban sa sunog.

Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) para sa nasabing layunin noong ika-10 ng Mayo ngayong taon.

Sinabi ni Pangandaman na naiintindihan ng ahensiya kung gaano kahalaga ang mga responsibilidad ng BFP sa panahon ng pagtugon sa emergency at mga insidente ng sunog.

Gagamitin ang P2.880-B pondo para sa pagkuha ng 154 firetrucks, 3 collapsed structure at rescue trucks, at 132 ambulansya.

Nangako naman ang pamahalaan na pabilisin ang pagtatatag ng fire protection services, emergency medical services sa mga munisipalidad na walang fire trucks at fire stations.

Ang mga hakbang ay kasunod ng pagpasa ng Republic Act (RA) No. 11589 na nananawagan para sa pagpapalakas ng BFP Modernization Program.

More in National News

Latest News

To Top