National News
P2 rollback sa presyo ng ilang produktong petrolyo, naka-amba ngayong linggo
Good news sa mga motorista!
Inaasahang magkakaroon ng oil price rollback ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Ayon sa abiso ng mga oil company, bababa mula P2.00 – P2.40 ang presyo ng kada litro ng diesel at gasolina.
Habang mula P2.50 hanggang P2.75 naman ang ibababa sa presyo ng kerosene kada litro.
Batay sa huling tala ng Department of Energy (DOE), ang net price increase ng gasolina ngayong taon ay nasa P19.65.
Habang ang diesel ay P32.35 at P27.30 naman sa kerosene.