Connect with us

P20/kilo na bigas, posible kung walang korupsyon – Pastor Quiboloy

P20/kilo na bigas, posible kung walang korupsyon – Pastor Quiboloy

National News

P20/kilo na bigas, posible kung walang korupsyon – Pastor Quiboloy

Naniniwala si Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy na posibleng maibaba ang presyo ng bigas kung ito ay tutukan ng pamahalaan at walang korapsyon.

Kasunod ito ng inihayag ng Department of Agrarian Reform (DAR) na posibleng maisakatuparan ang panukalang P20 na presyo sa kada kilo ng bigas sa unang quarter ng 2023.

Ayon sa DAR, maaari itong maisakatuparan sa pamamagitan ng mega farm projects ng ahensya mula sa nabuong proyekto na “Programang Benteng Bigas sa Mamamayan”.

Matatandaan na bago pa man ang eleksyon noong nakaraang buwan ay isa na sa ipinangako ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos sa mga Pilipino na ibaba sa P20 ang presyo sa kada kilo ng bigas.

Sang-ayon naman si Pastor Apollo na posible itong mangyari.

“Kung talagang tutukan ‘yan at walang korupsyon. Kakayanin ‘yan basta’t ‘wag lang pabayaan ang stratehiya na ginagawa upang maabot yang ginagawa na P20 per kilo na ‘yan,” ani Pastor Apollo.

Samantala, pinuri ng butihing pastor ang pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa magandang nitong accomplishment sa sektor ng agrikultura.

“Masaya rin tayo na mayroong pangulong darating na inaasahan din nating magagawa n’ya ang mga bagay na maganda nang nangyrai sa ating bansa,” dagdag pa ng butihing pastor.

Bagaman, nakaramdam ng lungkot ang butihing pastor dahil sa nalalapit na pagbaba sa pwesto ng pangulo ay umaasa ito na maipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang nasimulan ni Pang. Duterte.

More in National News

Latest News

To Top