Connect with us

P20M, ibibigay sa may impormasyon vs. agri smugglers, hoarders

P20M, ibibigay sa may impormasyon vs. agri smugglers, hoarders

National News

P20M, ibibigay sa may impormasyon vs. agri smugglers, hoarders

Makatatanggap ng hanggang P20M na incentives ang sinumang makapagbibigay ng impormasyon na ikadarakip ng smugglers at hoarders ng agricultural products na nagreresulta ng pananabotahe sa ekonomiya.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), maituturing nang economic sabotage ang isang smuggling or hoarding activity kung umabot na ng P10M ang nasabat na mga kalakal sa ilalim ng Republic Act No. 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

Sa ilalim rin ng nabanggit na batas, ang mapatutunayang guilty ay papatawan ng life imprisonment at walang bail.

Pagmumultahin rin ito ng limang beses na mas malaki kumpara sa halaga ng nakumpiskang agri products mula dito.

Sa kabilang banda, pansamantala namang ipinatigil ng DA ang pag-aangkat ng poultry and poultry products mula France.

Sa ilalim ng memorandum order no.40 na inilabas kamakailan, effective immediately ang temporary import ban matapos maiulat ang bird flu outbreak sa nabanggit na European country.

Layon din nito na maprotektahan ang lokal na populasyon ng manok at mamimili sa bansa mula sa mga epekto ng highly pathogenic Avian influenza.

Gayunpaman, ang lahat ng poultry products mula sa France na nasa transit na papuntang Pilipinas ay papayagang makapasok sa bansa hangga’t ito ay nai-proseso o ginawa bago ang Hulyo 25 o sa mismong petsa.

Sa kabilang banda, hindi naman papayagang makapasok sa Pilipinas ang mga produktong nai-proseso o ginawa matapos ang Hulyo 25.

Ito ay kukumpiskahin ng mga veterinary quarantine officers upang hindi na makalusot pa.

More in National News

Latest News

To Top