Connect with us

P21M smuggled agri products, nasabat sa Subic Port

P21M smuggled agri products, nasabat sa Subic Port

Regional

P21M smuggled agri products, nasabat sa Subic Port

Sa kabila ng umano’y mahigpit na pagbabantay ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) sa mga pantalan ay marami pa rin ang naipupuslit na agricultural products sa bansa.

Patunay dito ang bagong operasyon ng dalawang nabanggit na ahensya kung saan limang container vans ang binuksan sa Subic Bay Freeport Zone, araw ng Miyerkules, Setyembre 11, 2024.

Napag-alaman na Agosto 15 pa nakarating sa bansa ang mga produkto mula China na pagmamay-ari ng Betron Consumer Goods Trading.

Idineklara nilang mga sangkap sa shabu-shabu gaya ng frozen egg balls ang laman nito.

Iyon nga lang, nang mabuksan ay tumambad sa mga awtoridad ang karton-karton na smuggled carrots at puting sibuyas mula China.

Umabot sa 114 MT (metriko tonelada) ang nakumpiskang smuggled agricultural products at katumbas ito sa halagang P21M.

Wala rin itong certificate of product registration (CPR) at phytosanitary permit bilang patunay na lehitimo at ligtas kainin ang mga nabanggit na produkto.

Pahayag ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., “Technically, they’re not. They’re clearly illegal smugglers and they’re taking advantage of smuggling. They are doing smuggling to basically makaiwas ang taxes. Sa onions and carrots ay maka-take advantage sa presyo sa Pilipinas versus other countries which affects our farmers.”

Hindi naman inaalis ng ahensya ang posibilidad na ang may-ari nang nasabat na produkto sa Subic ay posibleng may-ari rin ng mga nakumpiskang agri products sa isang bodega sa Navotas noong Setyembre 9.

Pare-pareho lang ani Laurel ang kanilang mga produkto gaya ng carrots at puting sibuyas na kinalaunan ay nakitaan ng mataas na lebel ng pesticides at E.coli bacteria na nakukuha sa dumi ng tao at hayop.

Samantala, bukod sa mga nasabat na mga produktong agrikultura ay dalawang container vans pa ang binuksan ng DA at BOC na pagmamay-ari naman ng Subic All N1 Corporation.

Mga tissue paper ang sinabi ng may-ari na laman nito pero nang buksan ay karton-karton ito ng sigarilyo mula Taiwan.

Aabot sa P115M ang kabuuang halaga ng mga nasabat na sigarilyo ng ahensya.

Awtomatikong blacklisted na ng DA ang mga nabanggit na kumpanya.

 

More in Regional

Latest News

To Top