Connect with us

P265-M halaga ng tulong pinansyal, naipagkaloob ng OP sa mga tinamaan ng kalamidad sa Davao Region

P265-M halaga ng tulong pinansyal, naipagkaloob ng OP sa mga tinamaan ng kalamidad sa Davao Region

Regional

P265-M halaga ng tulong pinansyal, naipagkaloob ng OP sa mga tinamaan ng kalamidad sa Davao Region

Ipinaabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P265-M halaga ng tulong pinansyal sa rehiyon ng Davao para sa mga residenteng naapektuhan ng shear line at low-pressure area (LPA).

Nitong Miyerkules, ika-7 ng Pebrero, pinangunahan ng pangulo ang situation briefing sa Davao City kung saan ipinaalam sa kanya ang sitwasyon sa Davao Region.

Sa nasabing briefing, pinuri ni Marcos ang mga lokal na opisyal sa kanilang mabilis na pagtugon.

Kasunod nito, tumanggap ng tig-P30-M ang mga lalawigan ng Davao del Norte, Davao Oriental, Agusan del Sur, at Davao de Oro.

Habang ang mga lalawigan ng Surigao del Sur at Maguindanao del Sur ay tumanggap ng tig-P25-M.

Ang mga lungsod ng Butuan at Davao at ang lalawigan ng Davao Occidental ay nabigyan ng P20-M habang ang lalawigan ng Agusan del Norte ay napagkalooban ng P15-M.

Tumanggap naman ng P10-M bawat isa ang mga lalawigan ng Cotabato at Bukidnon.

Ang nasabing tulong pinansyal ay bukod pa sa Emergency Cash Transfer (ECT) na ibinigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong pamilya sa rehiyon.

More in Regional

Latest News

To Top