Connect with us

P29/Kg ng bigas na ibinebenta sa mga Kadiwa stores, pansamantala lang – SINAG

P29/kg ng bigas na ibinebenta sa mga Kadiwa stores, pansamantala lang – SINAG

National News

P29/Kg ng bigas na ibinebenta sa mga Kadiwa stores, pansamantala lang – SINAG

Walang direktang pakinabang sa mga lokal na magsasaka ang pagbebenta ng Department of Agriculture (DA) ng P29/Kg ng bigas sa ilang Kadiwa stores sa Metro Manila ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Pres. Engr. Rosendo So.

Gayunpaman, sinabi nito na malaking tulong na ito para sa mga low income family, “Welcome development ‘yan and ito ay makakatulong pero siyempre alam natin na realistically hindi kaya ‘yung presyo ng farmgate ‘yung retail price ng bigas kasi gigilingin pa ‘yun, atleast may subsiby galing sa ating gobyerno malaking bagay ‘yun sa mga hindi makabili ng mataas na presyo ng bigas.”

Sa ngayon kasi nasa 5 Kadiwa stores ang nagbebenta ng P29/kg ng bigas.

Ang mga ito ay nasa Mandaluyong, Quezon City, Paranaque City, Caloocan City at Valenzuela City.

Kung makukuha nga raw ng National Irrigation Authority (NIA) ang target nitong 100-M kilo ng palay para sa buwan ng Agosto ay posibleng mas mapalawak at umabot pa ito sa ibang parte ng bansa.

Aniya, “Kung naharvest na yung target ng National Irrigation Authority, tingin naman natin ay makakarating ito sa Visayas at Mindanao ito, pero hindi lahat baka isipin ng tao lahat makakabili niyan dahil ‘yung target lang yata is P100,000 tons, so ito is maliit doon sa total harvest natin. Ang tinatarget siguro ‘yung mga low income family na atleast ay makakabili ng mura”.

Sinabi rin ni So na kahit pa may ibinebentang murang bigas sa Kadiwa stores ay mahal pa rin naman ang presyo nito sa mga tindahan sa palengke.

Ang masaklap pa riyan, posible raw’ng tumaas pa ang bentahan nito sa loob ng 2 linggo.

Sa huli, tutol pa rin ang grupo sa planong ibalik sa National Food Authority (NFA) pagbabalik ng kapangyarihan sa NFA sa pagbili at pagbenta ng bigas na hindi nakakatulong sa mga mamimili, sa ngayon kasi ay lusot na sa ika-2 pagbasa ng House of Representatives ang panukalang pag-amyenda sa 5 taon ng Rice Tariffication Law.

Ani So, ”Yung NFA ‘wag na nating ibalik na magbenta, I think pwede na ang Kadiwa dahil wala namang tao rin ang NFA sa retail and marami pang aayusin kung gagawin ulit ‘yung nangyari dati, and alam naman natin nirere-bag ‘yung NFA rice kaya ‘dun sa hearing may nabanggit nga na may NFA rice dati pero walang NFA price dahil ‘yung rebagging, hindi nakakatulong ‘yun sa ating consumer. So itong subsidy naman ay anytime sinabi natin maski wala pa ‘yung ammendment ng rice tarrification law pwede naman daw gawin ‘yun kagaya ngayon na ginagawa na ng Kadiwa”.

More in National News

Latest News

To Top