Connect with us

P29/kilo ng bigas, ibebenta sa Kadiwa centers ngayong Agosto

P29/kilo ng bigas, ibebenta sa Kadiwa centers ngayong Agosto

National News

P29/kilo ng bigas, ibebenta sa Kadiwa centers ngayong Agosto

Ibebenta sa Kadiwa centers ang P29/kilo ng bigas ayon kay National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eduardo Guillen.

Posibleng mangyari ang bentahan ngayong Agosto at tinatayang halos 100-M kilos ng bigas aniya ang magagawa para dito.

Batay na rin ito sa tansya ng Department of Agriculture (DA) na sa Hulyo ay magkakaroon na ng panibagong suplay ng bigas.

Ibebenta naman ang mga P29/kilo ng bigas sa Kadiwa centers ng Metro Manila, Cebu at Davao.

Ang bawat pamilyang Pilipino ay maaaring bumili ng hanggang 10 kilo ng bigas mula sa Kadiwa centers.

More in National News

Latest News

To Top