Connect with us

P3.7-B pondo para sa Tulong Dunong Program ng CHED, inilabas ng DBM

P3.7-B pondo para sa Tulong Dunong Program ng CHED, inilabas ng DBM

National News

P3.7-B pondo para sa Tulong Dunong Program ng CHED, inilabas ng DBM

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng kabuuang P3.744-M sa Commission on Higher Education (CHED).

Ayon kay DBM Secretary Mina Pangandaman, gagamitin ang nasabing pondo para sa implementasyon ng Tulong Dunong Program ng CHED.

Ang programang ito ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong mga estudyante na ipinagpapatuloy ang kanilang college degree.

Idinagdag pa ni Pangandaman na ang scholarship program na ito ay napakalaking tulong para sa mga mag-aaral, lalo na sa mga hirap sa pananalapi o sadyang hindi kayang makapag-aral ng kolehiyo.

Makabebenepisyo sa nasabing badyet ang nasa mahigit 247,135 student-grantees na naka-enroll sa mga CHED-recognized public at private higher education institutions.

Layunin nito na matulungan ang mga mag-aaral sa gastos sa tertiary education para sa ikalawang semestre ng Academic Year (AY) 2023-2024 at unang semestre ng AY 2024-2025.

Ang Tulong Dunong Program ay isa sa mga bahagi ng Universal Access to Quality Tertiary Education – Tertiary Education Subsidy (UAQTE-TES).

Inaprubahan ng DBM chief ang pagpapalabas ng SARO para sa naturang layunin noong ika-15 Abril ngayong taon.

More in National News

Latest News

To Top