National News
P31-B, ilalaan sa rice producers ngayong 2024
Inilahad ngayon ng Kamara na naglaan ang national government ng bilyong pondo ngayong taon para sa mga magsasaka ng palay.
Ayon kay Bicol Saro Party-list Rep. Brian Yamsuan, P31-B ang inilaan para sa palay producers sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA).
Pasok ang pondo sa National Rice Program ng Department of Agriculture (DA) na dinagdagan ng halos kalahating bilyong piso mula sa 2023 budget nito.
Kaya naman umaasa sila sa kongreso na tataas ang productivity ng palay farmers dahil sa local fund na ilalaan sa kanila.
Sa kabila na rin ito ng banta ng El Niño Phenomenon sa bansa o ang mas mahabang tag-init ngayong 2024.
Bukod sa nasabing pondo, nasa P15-B din ang inaasahan ng pamahalaan para sa mga maliliit na rice farmers na huhugutin mula sa mga nakokolektang taripa sa collections at rice imports nitong nakaraang taon.
“We are confident that not only the agriculture department, but other agencies across all other concerned sectors would be fully prepared for this prolonged dry spell,” saad ng mambabatas.