National News
P4.2M na hindi rehistradong beauty products, nasamsam sa Malabon
Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Malabon City ang 3 Chinese at ang kanilang hinihinalang kasabwat na Filipino.
Dahil ito sa umano’y pagbebenta ng mga hindi narehistrong beauty products.
Sa naturang operasyon ay nasa 30 kahon ng acne spot serum na may halagang P4.275-M.
Ang mga naaresto naman sa operasyon noong April 22 sa Brgy. Maysilo ay mga opisyal at empleyado ng Sannyou Packaging Services.
