National News
P600 uniform wage sa Pilipinas, isinusulong sa Kongreso
Ngayong Labor Day ay muling iginiit ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo ang panawagan nito na magkaroon ng pantay-pantay na pasahod sa pribadong sektor sa lahat ng rehiyon sa buong bansa.
Ayon kay Salo, ang Vice-Chair House Committee on Public Accountability, ang pagpapatupad ng P600 minimum wage rate sa lahat ng rehiyon sa bansa ang susi para maisulong ang balik probinsya program ng administrasyon.
Mungkahi ng mambabatas na isama din sa uniform minimum wage ang mga manggagawa sa National Capital Region.
Giit ni Salo, ang hindi pantay-pantay na pasahod sa private sector ang nag-udyok sa mga manggagawa sa probinsya na makipagsapalaran sa NCR dala ng kahirapan.
Sa ngayon ay naghain na ng panukalang batas ang kongresista para mag-set ng P600 bilang minimum wage.