Connect with us

P7-M, inilaan para sa mga Pilipinong apektado ng lockdown sa Shanghai, China – OWWA

Transportation and accommodation assistance ng OWWA para sa returning OFWs, isususpinde na

National News

P7-M, inilaan para sa mga Pilipinong apektado ng lockdown sa Shanghai, China – OWWA

Kinumpirma ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Atty. Hans Leo Cacdac na nakapag-transfer na ng kaukulang pondo ang OWWA  para sa food assistance sa mga  OFWs na naapektuhan ng matinding   lockdown sa Shanghai.

Ayon kay Administrator Cacdac, inatasan siya ni Labor  Secretary Silvestre  Bello III na makipag-ugnayan  sa team on the ground ni Secretary Locsin sa Shanghai para karampatang tulong ng mga OFW doon.

Ayon din kay Cacdac, nagkaroon din ng mental wellness webinar sa mga OFW sa tulong na rin ng  DOH at ng  National Center for Mental Health.

Sa ngayon ay inaantabayanan na rin ang  pag-distribute ng Consulate General’s Office sa mga Pilipino sa Shanghai partikular na  sa distribution ng food assistance.

Paglilinaw ni Cacdac, nasa 500 – 600 na mga Pilipino sa Shanghai ang  ang tinatayang mabibigyan ng Food Assistance habang dagdag US$200 assistance kung nadapuan ng COVID.

“This is for a total of around—ang budget na nakalaan dito is around seven million pesos. And we have set the preliminary 2.5 million, and we will set the second batch of 2.5, and then … until mabuo natin iyong seven million. Kasi bibigyan din natin, Usec., iyong mga nadapuan ng COVID ng additional US$200. Mahigit kumulang, mga 500 to 600 OFWs na lumapit sa konsulada natin na mabibigyan ng ayuda dito sa halaga na ito,” ani Atty. Hans Leo Cacdac.

Samantala nilinaw naman ni Cacdac na hindi pa ganap na bukas ang deployment sa mga household service workers patungong Kingdom of Saudi Arabia.

Ito’y matapos inanunsyo ng Department of Migrant Workers na inalis na ang Deployment ban patungong KSA .

Matatandaan iniutos ni Sec. Bello ang deployment ban sa mga overseas Filipino patungong KSA matapos hindi tinupad ng Saudi Government na bayaran ang unpaid salaries ng nasa mahigit siyam na libong OFW .

“Well, sa ngayon, sa pagkakaalam ko ay isinasaayos pa ito. Hindi pa kasi ganap na bukas dahil itong ban ay patungkol sa mga domestic workers at kasambahay na OFWs para sa kanilang kaukulang proteksyon. So, sa pagkakaalam ko ngayon ay marami pang kailangang repasuhin at ayusin na proseso at mga kaukulang proteksyon para sa mga OFW na kasambahay natin bago ito isagawa,” ani Cacdac.

Una na ring sinabi ni Sec.Bello na hindi aalisin ang naturang deployment ban hangga’t hindi nababayaran ang higit  5 bilyong unpaid salaries sa mga OFW.

More in National News

Latest News

To Top