Connect with us

P700-M OVP budget para sa 2025, posibleng taasan ng Senado

P700-M OVP budget para sa 2025, posibleng taasan ng Senado

National News

P700-M OVP budget para sa 2025, posibleng taasan ng Senado

Posibleng taasan sa Senado ang mahigit P700M budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa taong 2025.

Ito ang inilahad ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri sa Kapihan sa Senado forum araw ng Huwebes, Setyembre 26, 2024.

Sinabi ni Zubiri na bagamat wala pang nagaganap na pinal na pag-uusap ay maugong na sa Senado ang balita patungkol sa budget ng OVP para sa susunod na taon.

Ang tinutukoy ni Zubiri ay ang P733.1 milyong inaprubahan ng Kamara.“May ilang mga kasamahan na nagsabi na nais nilang dagdagan ang alokasyon ng badyet. Sa tingin ko, sina Sen. Joel Villanueva at Sen. Jinggoy Estrada kaya’t maghihintay tayo sa pinal na resulta. Magkakaroon tayo ng talakayan tungkol dito sa sahig ng Senado. Napaka-maaga pa sa puntong ito upang sabihin kung ano ang mangyayari at kung ano ang dapat mangyari.”

Noong Setyembre 12 inirekomenda ng Kamara na bawasan ang iminungkahing budget ng OVP.

Mula P2B ay ginawa na lamang ng Kamara na P733M ang budget at katumbas ng P1.29B ang tinapyas sa orihinal na proposed budget.

More in National News

Latest News

To Top