Connect with us

P8.6-B, gagastusin sa brgy. elections kung matutuloy sa Disyembre – DILG  Usec. Diño

National News

P8.6-B, gagastusin sa brgy. elections kung matutuloy sa Disyembre – DILG  Usec. Diño

Aabot sa P8.6 Billion ang gagastusin ng gobyerno kung matutuloy ang barangay elections sa Disyembre.

Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Martin Diño sa panayam ng Sonshine Radio.

Aniya, ito ang dahilan kung bakit lumalakas ang panawagan na kanselahin muna ito sa gitna ng mga problemang kinahaharap ng bansa.

Ani Usec. Diño, maaaring ipagpaliban muna ang barangay elections at gawin na lamang sa susunod na taon upang makahinga ng kaunti ang bansa sa mga gastusin.

Sa kabila nito, sinabi ni Usec. Diño na tuloy- tuloy pa rin ang mga plano ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) at DILG dahil wala pa namang batas na naipasa para sa pagpapaliban ng barangay elections.

Saad pa ni Usec. Diño na may panukala ngayon si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na gagawin kada 5 taon ang eleksyon ng barangay.

Sang-ayon naman ito ni Usec. Diño upang hindi makatuon ang bansa sa eleksyon lamang at mabigyan ng mas malawak na pagkakataon ang mga ito na maglingkod.

Pinuri naman ni Usec. Diño ang plano ni PBBM na pag-aaralin ang mga barangay official tungkol sa tamang paggastos ng pondo.

More in National News

Latest News

To Top