National News
P8-B na budget para sa indigent patients at hospital workers, ini-release na ng DBM
Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang budget na nagkakahalaga ng P8-B para sa indigent patients at hospital workers.
Inaprubahan ang release nito noong May 3, 2024.
Ang P2.43-B ay para sa medical assistance ng indigent at mahihirap na mga pasyente.
Ang P5.55-B naman ay para sa public health emergency benefits at allowance ng healthcare at non-healthcare workers.
Kung matatandaan, sa unang mga buwan ng 2024 ay nasa P19.962-B na ang nai-release para sa medical assistance ng indigent patients.
Sa panig ng health benefits at allowance ng hospital workers, nasa P14.88-B nalang ang hindi pa nailabas ng DBM.
