Connect with us

P9.6-B halaga ng iligal na droga na nasabat sa Batangas, naiturn-over na sa PDEA

P9.6-B halaga ng iligal na droga na nasabat sa Batangas, naiturn-over na sa PDEA

Regional

P9.6-B halaga ng iligal na droga na nasabat sa Batangas, naiturn-over na sa PDEA

Naiturn-over na ng Philippine National Police (PNP) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) National Headquarters ang malaking bulto ng iligal na droga na nasabat sa Batangas nitong Lunes, April 15, 2024.

Batay sa official progress report ng Batangas Provincial Police Office, natapos na ang kanilang imbentaryo sa mahigit 1.4 tonelada ng shabu o katumbas ito ng P9.6-B taliwas ito sa naunang tantiya ng mga awtoridad na 2 tonelada o katumbas ng mahigit P13-B.

Bukod sa mga droga, kasama rin sa naiturn-over ang non-drug na mga ebidensiya gaya ng bag, cellphone, 100 piraso ng tig-1-K, ID, trapal at ilang dokumento ng sasakyang ginamit ng suspek sa pagdadala ng nasabing droga.

Alas 1:38 ng madaling araw ng April 17, 2024, nang maihatid sa tanggapan ng PDEA sa Quezon City ang nasabing mga droga.

Matatandaang, personal na binisita ni Pangulong Bongbong Marcos ang lugar ng imbentaryo sa Batangas para saksihan ang malaking huli na ito ng PNP.

More in Regional

Latest News

To Top