Regional
PA, pinag-ibayo pa ang search and rescue operation sa Masara, Davao de Oro
2 Light Urban Search and Rescue teams mula sa 525th Engineer Combat Battalion ng 51st Engineering Brigade ang tumulong na para sa mabilis na pagsagip sa mga nawawala pang biktima ng landslide sa Brgy. Masara, Davao de Oro.
Ayon kay Col. Louie Dema-ala, puspusan ngayon ang ginagawang search and rescue ng mga sundalo sa pag-asang mayroon pa silang buhay na maisasalba.
Magugunitang noong Pebrero 6, naganap ang landslide sa Masara kung saan natabunan ang ilang bus at mga kabahayan sa isang mining community sa Barangay Masara.
Samantala pinapurihan ng liderato ng Philippine Army (PA) ang mga kasundaluhan at mga rescue team sa kanilang hindi matatawarang pagtulong upang mailigtas ang mga nawawala pang residente.
Kasabay nito pinuri rin ng pamunuan ng PA ang milagrong pagkakasagip sa isang batang babae mula sa nangyaring landslide.