National News
Paaralang sasailalim sa pilot run ng K-10 curriculum ng DepEd, aabot ng 35
Nasa 35 paaralan sa Pilipinas ang sasailalim sa pilot run ng MATATAG Curriculum o ang bagong K-10 curriculum ng Department of Education (DepEd).
Sa listahan na inilabas ng DepEd, na 5 mga paaralan sa bawat 7 rehiyon sa bansa ang kasali sa nasabing pilot run.
Kabilang na rito ang National Capital Region (NCR), Cordillera Admnistrative Region (CAR), Ilocos, Cagayan Valley, Central Visayas, Soccsksargen at Caraga.
Magsisimula ang pilot run ng K-10 curriculum sa September 25.
Habang ang full implementation nito ay ipatutupad sa buong bansa kada yugto sa susunod na taon.
