Connect with us

Pabago-bagong pahayag ng COMELEC sa isyu ng data breach, ikinababahala ni BBM

Pabago-bagong pahayag ng COMELEC sa isyu ng data breach, ikinababahala ni BBM

National News

Pabago-bagong pahayag ng COMELEC sa isyu ng data breach, ikinababahala ni BBM

Nangangamba si Presidential frontrunner Bongbong Marcos sa performance ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) sa isyu ng data breach sa Smartmatic.

“What am i worried about? I’m worried about when we talk about the security breach. Pabago-bago ang istorya ng Comelec,” ani BBM.

Ngayong botohan sa Mayo 9, Smartmatic ang mangangasiwa sa automated elections sa buong bansa.

At para sa nangunguna sa lahat ng pre-election surveys, ang malinis na pagdaraos ng eleksyon ang pinaka-prayoridad ng kampo ni Marcos.

“Yung una, wala. Tapos sabi nila may nagdala ng computer. Tapos dahan-dahan may nakita na naman may security breach nga pero hindi importante yung mga nakuhang impormasyon. Tapos lumalabas sa dark web yung impormasyon na kinuha which not unimportant,” dagdag pa ng presidential aspirant.

Diin din ni BBM na tinututukan ito ngayon ng kaniyang team para maiwasan o mabawasan ang posibilidad ng pandaraya lalo pa’t para sa kanila ay minsan nang naging biktima ng dayaan.

Noong 2016 VP race, nagprotesta si BBM laban sa panalo ni Vice President Leni Robredo.

Sa unang bahagi ng bilangan, liyamado si BBM ngunit kalaunan ay naungusan ni Robredo at natalo lamang ng mahigit sa 263,000 na boto.

At kahit natalo man sa kanyang poll protest, para kay BBM ay napatunayan nila sa nakararami na sila’y biktima ng pandaraya.

“To be philosophical about it, I suppose God has other plans for me and [being] Vice President is not part of it. But as I said we know much better now. What the system is and ano yung mga weakness,” pagbibigay din ni Marcos.

Nanawagan naman si BBM sa lahat ng mga botante na bantayan na hindi magkakaroon ng dayaan ngayong eleksyon. Lalo na’t moderno na ang panahon ngayon at high-tech na ang mga cellphone.

“The cellphone technology can become a mature technology. So it’s something that we can all use and we can apply in any place,” panawagan ni dating Sen. Bongbong Marcos.

Sa ngayon ay nananatiling Number 1 pa rin ang UniTeam sa mga survey.

More in National News

Latest News

To Top