Connect with us

Pabuya sa makahahanap ng bakuna vs. COVID-19, itinaas sa P50-M

National News

Pabuya sa makahahanap ng bakuna vs. COVID-19, itinaas sa P50-M

Dinagdagan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pabuya sa sinomang Pilipino na makahahanap ng bakuna kontra COVID-19.

Sa televised briefing, itinaas ng Pangulo ang pabuya sa P50 milyon.

Mula ito sa P10 milyon na una nang inalok ng Pangulo.

Maaari rin aniyang umabot pa hanggang P100 milyon ang pabuya kung masiyahan ang Pangulo.

Sinabi ni Pang. Duterte na agad niyang aalisin ang enhanced community quarantine, oras na may bakuna na sa COVID-19.

Sa huli sinabi ng Pangulo, hindi matatapos ang COVID-19 pandemic hangga’t walang nabubuong bakuna laban dito.

More in National News

Latest News

To Top