Connect with us

PACC Chair Jimenez, pinabulaanan na pinaiimbestigahan ang relief operation ni VP Robredo    

PACC Chair Jimenez, pinabulaanan na pinaiimbestigahan ang relief operation ni VP Robredo    

National News

PACC Chair Jimenez, pinabulaanan na pinaiimbestigahan ang relief operation ni VP Robredo    

Mariing itinanggi ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na pinaiimbestigahan nila sa National Bureau of Investigation (NBI) ang naging relief drive ni Vice President Leni Robredo para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) crisis.

Sa naging panayam ng SMNI News kay PACC Chairman Dante Jimenez, pinabulaanan nito ang nauna nang pahayag ni Commissioner Manuelito Luna.

Aniya, personal na pananaw lang ito ni Luna at hindi ng kabuuang ahensya

Ibinahagi din ni Jimenez na nauna na niyang nakausap ang commissioner at binalaan na huwag na munang magsalita patungkol sa isyu.

Dagdag pa ni Jimenez na bilang appointee ng pangulo ay dapat sigurado sila sa mga salitang kanilang binibitawan.

“Pag ikaw ay appointed ng presidente, be sure na alam mo ang iyong pinagsasabi at dapat iki-clear mo muna sa chairman ‘yan at Commisison en Banc. We decide on major issues en banc, by body.”

Matatandaan na nitong Huwebes nang naglabas na pahayag si Commissioner Luna na hinihimok ang NBI na paimbestigahan ang naging pamamaraan ni VP Robredo sa kaniyang relief operation.

More in National News

Latest News

To Top