National News
PACe, nagbabala sa publiko ukol sa maling impormasyon kaugnay ng pamimigay ng cash aid
Nilinaw ng Presidential Action Center (PACe) ang maling impormasyon na kumakalat na sinasabing ang kanilang opisina ay namamahagi ng ₱5-K cash at kilo ng bigas.
Sa ibinahaging statement ng Presidential Communications Office (PCO), nakasaad dito na ang PACe ay hindi nakikibahagi sa anumang naturang distribusyon ng cash aid at walang ganoong programa na kasalukuyang ginagawa ang tanggapan.
Kaya naman, hinikayat ng PACe ang lahat na i-verify ang mga ganitong impormasyon sa pamamagitan ng mga official channel nito o makipag-ugnayan sa kanilang email sa 𝙥𝙖𝙘𝙚@𝙤𝙥.𝙜𝙤𝙫.𝙥𝙝.
Muli ring hinimok ng pamahalaan ang mamamayan na sama-samang labanan ang pagkalat ng maling impormasyon at i-promote ang isang mas ‘informed’ at matatag na komunidad.
